|
|
| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
kung kaya ko balikan ang mga nakaraan
ang mga sandaling ikaw ay kayakap ko
para rin muling madama at maranasan
mga panahong ako'y laging nasa tabi mo
naaalala ko pa ang iyong mga sinabi
ang iyong boses na nakakapanghina
lalo na ang mga ngiti sa iyong labi
na para bang tayo ay itinadhana
ngunit ngayon sa panaginip nalang pala
madadama ang pagmamahal mo sakin sinta
bakit ba kasi ako sadyang nagkaganito?
panaho'y lumipas na kasama ng pangako mo
di ba kay sarap isipin ang nakaraan?
ngunit sadyang di pwedeng balikan
mga nakaraang masaya ang pagmamahalan
katuwaang akala ko'y walang katapusan
Notes: I'm just missing someone right now... haven't seen him for a while... sigh here, an untitled fic, any suggestions are welcome.