|
|
| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Salamin
Mahirap magmahal ng taong di para sa'yo
Bigla mo nalang natatanong "bat ganito?!"
Alam mo na di ikaw laman ng kanyang puso
pero gusto mo isumbat na "mahalin mo rin ako"
Masakit kung malaman mong may iba na siya
ngunit patuloy parin pagmamahal sa kanya
sadya ba na ikaw ay nagpapakatanga?
kahit na alam mong nilaan na siya sa iba
Bakit ba ayos lang na saktan ka nya?
Ano naman kung nakita mo siyang masaya?
Hindi ba, ikaw rin naman ang lumuluha?
Bakit di mo magawa na limutin siya?
Pinunasan ng babae ang kanyang luha
tumingin muli sa salamin at nagtaka
bakit nga ba siya ang laman ng puso ko?
samantalang nagmumukha lang akong gago
tumigil siya sandali at inilayo and tingin
hinayaan ang problemang tangayin ng hangin
matapos nito'y huminga na sya ng malalim
"mahal kita, ngunit kaiangan ka limutin"
Minsa'y salamin ang daan para matauhan
minsa'y ito ang nagsisilbing kaibigan
handang solusyonan lahat ng problema
ng sariling replekyon ng persona.