|
|
| Home Just In Communities Forums Beta Readers Dictionary Search | Login Register Extras |
Pahalagahan ang Kalikasan
Ako'y nagiisa at nangangamba
dito sa ilalim ng punong mangga
nagtatanong, mundo ba'y mahalaga?
paano kung ito ay mawala?
Ang mundo ay dapat pahalagahan
bago tayo mawala at lumisan
makita ng ibang henerasyon
ang kalikasang walang polusyon
Ang mga hayop at mga halaman
dapat natin itong pakaingatan
Mga isda sa ating karagatan
pag-ubos nila'y ating pigilan
At ang mga ibong nag-aawitan
sobrang saya pakinggan at tignan
At mga tao na nagmamahalan
ngunit ngayon nawawala't nasaan?
Tumayo ako at lumisan sa puno
dala itong pangakong magbabago
linisin ang kapaligiran natin
kalikasan natin ating mahalin