Isa akong taong hindi madaling makilala.
Minsan masayahin, minsan tahimik, madalas mapag-isa.
Mahilig akong kumain ng pusit dahil squid is the best policy.
Malimit akong magbasa ng libro kaya nasa 350 na ang grado ng salamin ko.
Maraming tumatawag sa akin ng Diosa, lumuluhod sa harap ko, nagba-bow kapag dumaraan ako at nakikiusap na gawin ko silang alipin.
Mapagkumbaba akong tao kaya hinahayaan at sinusunod ko na lang ang gusto nila at hindi ako nagrereklamo.
Wala pang taong nakakapagpapikon sa akin, sila malimit ang napipikon dahil hindi nga ako pikon.
Hindi rin ako magagalitin kaya huwag mo nang subukan dahil mabibigo ka lang. At baka magalit ka pa sa akin.
Nag-e-enjoy akong manood ng sine mag-isa habang kumakain ng fun shots ng KFC.
Kung walang fun shots, enjoy pa rin.
Nasisiyahan din akong maglakad ng maglakad na walang kasama kundi ang
aking camera.
Mahilig din akong umakyat sa bubungan namin para tignan ang stars at ang moon.
Wala akong pakialam kung anuman ang tingin sa akin ng iba, marunong
akong rumespeto kaya ginagalang ko kung anuman ang isipin nila.
Hee.